(http://i108.photobucket.com/albums/n7/rainbowstrawberries/dark.jpg)

Yabs' Recycle Bin

October 2nd, 2008

Tigas Ng Ulo, Lakas Ng Loob

Tigas ng Ulo
Sama ng Loob
Pagsisising hindi dumating
Kahit umabot na sa ganito

Totoong pag-ibig daw
Salitang walang laman
Huwad na panalangin
At kahihiyang walang hangganan

Sumunod ba sa plano
Ang kinahinatnang ito?
Sobrang kaligayahan ba
Ang inabot ninyo?

Pikit na tinanggap
Buong pusong luluhod
Dahil kayo'y nanalo
At ako'y nai-taboy

Palakpak at hiyawan
Ang natatanging premyo
Mula sa sakit at galit
Na sa aki'y naidulot niyo

Magpaka-saya ng todo
Magbunyi sa kalangitan
Mag-diwang na ngayon
Ang kahihiyan ay di nakikita

Ako'y nagmistulang tanga
Naghirap dahil inyo
Panahon ba ulit
Para sa pananakit na bago?

Unti-unting pinapatay
Ginagawang baliw
Ang aking pagkatao
Na matagal na pinag-dusa

Kayo'y makasarili
Bulag sa sariling pagkakasala
Kunwari'y mangmang sa pangyayari
Sinungaling sa harap ng iba

Katangian ng mga taong
Walang respeto
Makasarili at mapanakit
Walang takot sa Diyos

Posted by yabs at 06:58 PM | Notes

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links