Bakit Pinabayaan Kitang Umiyak
Siguro kung tinupad ko
Ang aking mga pangako
Siguro kung hindi ko
Binuksan ang aking bibig
Siguro kung lahat ng araw
Hanggang kahapon
Pinatunayan kong
Hindi mali itong pag-ibig
Sa dami
Ng masasakit na salita
Sa aking kawalan
At pagkukulang
Iniyak na sa langit
At sa lahat ng pwedeng luhuran
Hindi nais mawala ang sakit
Ngunit nais baguhin ang minsan
Nandito
Sa aking mga salita
Kitang-kita
Ang buhay kong may puwang
Lungkot ang aking Kalbaryo
Kawalan ang aking sakit
Naghahanap ng sagot
Handa kahit kailan
Ang dagok ng pagsisisi
Ay hindi makakalimutan
Sa kakaibang pintig ng puso
Habang buhay na pasan
Posted by yabs at 04:46 PM | 2 Feedback
(guest)
petitay
